repost from an email :) enjoy! hehehe ;p
- Pangalan: Havaianas
- Lugar na pinanggalingan: São Paulo , Brazil
- Pagbigkas:
- ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese)
- hah-vee-ah-naz (American English)
- OMG! hah-va-yaH-naZz! (Filipino)
- Materyal na ginamit:Malupit na goma (high-quality rubber).
- Presyo:Depende. Ganito na lang, 1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan.
- Mga nagsusuot:Mga konyotik at mga mayayaman (na noong una ay nababaduyan sa mga naka-de sipit na tsinelas at sasabihing, "Yuck! So baduy naman nila, naka-slippers lang.")
- Malulupit na katangian at kakayahan:
- - Masarap isuot.
- - Shock-absorbent
- - Malambot ngunit matibay
- - Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy
- - Maaaring isuot sa loob ng Starbucks
- - Mainam na pang-japorms
- - Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato
- - Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa
- - Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan
- - Magiging 'fashionable' ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy
- Olats na mga katangian:
- Mahal!
- Mahal!
- Mahal!
- Pangalan: Spartan
- Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila , Philippines
- Pagbigkas:
- spar-tan (American English),
- is-par-tan (Filipino).
- Materyal na ginamit:Pipitsuging goma (Low-quality rubber).
- Presyo:Wala pang 50 pesos.
- Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.
- Mga nagsusuot:ang masa (gaya-gaya lang ang mga sosyal at pasyonista)
- Malulupit na katangian at kakayahan:
- - Maaring ipampatay sa ipis
- - Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho
- - Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan
- - Pwedeng ipamalengke
- - Mainam gamitin sa tumbang-preso
- - Mainam gawing 'shield' kapag naglalaro ng espa-espadahan
- - Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko
- - Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno
- - Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi
- - Kapag ginupit-gupit nang pahugis 'cube,' e maaari mo nang gawing pamato sa larong Bingo na
- kadalasang makikita sa mga lamay ng patay.
- Olats na mga katangian:
- - Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang itsura
- - Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa
- - Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasabit sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas
- SPARTAN FOREVER P DN!!!HEHE....


































































No comments:
Post a Comment